Pilipinas Ay Nasa Biblia 2004 Copyrighted @NLP Pilipinas Ay Nasa Biblia 2005 Copyrighted @NLP

Thursday, August 24, 2006

The author

abrahamic

ANG DATU AT SULTAN



“Ang isang kagila-gilalas na pinagmulan ng salitang Datu at Sultan, ito pala ay isang salitang Lumang Hebreo. Sa wikang Hebreo sa pahina 70, ang Dath ay ‘a royal edict or statute – commandment, commission, decree, law, manner’. Sa Hebreo ang Sholtan naman ay ‘ruler, empire, dominion’.”

Ating alamin ang mga lugar na tinirahan ng mga Datu at Sultan na nalimot ng mahabang panahon ngunit dahil sa nag-aalab na hangarin natin na makilala ang mga Kababayan natin na mga inapo ng mga Datu at Sultan ay I-isa-isahin natin ang mga lugar sa ating kapuluan at kung mayroon pang maibabahagi ang ilan sa ating mambabasa ay inaanyayahan ng may akda ang inyong mga naa-alalang salita ng ating mga ninuno.

Sa Candatu, Libmanan ay kasabihan na nasa kabilang ibayo nito at pinugutan ng ulo ang mga kalahi ng Datu sa lugar na iyon kaya tinawag ang lugar na Kan-Datu.

Sa lugar naman ng Mactan ay kasabihan na ang mga kalahi ni Raha Si Lapu-Lapu ay mga pinuksa ng ikalawang pagbabalik ng mga Kastila. Ang iba ay nag-iba na ng panga-pangalan at ang isa sa inapo ni Raha Si Lapu-Lapu ay ang lahi ng Agpalo (Ug-palo).

“Of all our languages, the Tagalog has been adjudged the best by scholars. “I found in this language,”
said Padre Chirino, eminent Jesuit-historian, “four qualities of the four greatest languages of the
world – Hebrew, Greek, Latin and Spanish. It has mystery and obscurities of the HEBREW..
“History of the Filipino People”, page 24, by Gregorio F. Zaide